Isa nang bagyo ang low pressure area na namataan sa parting northern Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon.
Ito ang ikaapat na bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility at tinawag na bagyong `Domeng’.
Sa pinakahuling weather bulletin PAGASA, may taglay na lakas ng hangin na 45 kilometer per hour at bugso na 55kph ang bagyong `Domeng’. Huli itong namataan na 940 kilometro ang layo sa northern Luzon.
Samantala, lumabas na kagabi sa PAR ang bagyong `Caloy’.
Hindi naglabas ng storm warning signal ang PAGASA dahil hindi nag-landfall ang bagyong `Caloy’ at paglabas nito ay agad namang nabuo si `Domeng’.
Inaasahang lalakas sa loob ng susunod na 24 oras ang bagyong `Domeng’ subalit mananatili itong malayo sa kalupaan at sa araw ng Sabado ay inaasahang lalabas ng PAR. (Tina Mendoza)
The post Bagyong `Caloy’ lumayas na, `Domeng’ pumasok first appeared on Abante Tonite.
0 Comments