Halos nangalahati ang dami ng mga namatay sa bansa nitong first quarter ng taon kung ikukumpara sa parehong panahon noong 2021.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 97,042 ang namatay sa first quarter ngayong taon, mas mababa ng 43.6% kaysa sa 171,984 na nasawi sa parehong panahon noong 2021.
Sabi ng PSA, sakit sa puso ang ikinamatay ng 18,601. Ito umano ang pinakapangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa noong first quarter ng 2022.
Pangalawa ang stroke o cerebrovascular disease na ikinamatay ng 10,044, at pangatlo ang cancer o neoplasms kung saan ay nasa 8,926 ang nasawi. Pang-apat ang diabetes na ikinamatay ng 6,151 at panglima ang hypertensive diseases o ang pagbabara ng mga ugat kung saan ay 5,642 ang nasawi.
Samantala, kung pagsasamahin umano ang mga kumpirmado at hindi kumpirmadong kaso ng COVID-19, aabot sa 6,770 ang namatay dito noong
first quarter ng taon, mas kaunti ng halos 1/3 kung ikukumpara sa 9,654 na mga nasawi sa coronavirus sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa PSA, 5,031 ang kumpirmadong namatay sa COVID noong first quarter ng taon, mas kaunti sa 5,374 ng parehong panahon noong 2021.
Nasa 1,739 naman umano ang pinaghihinalaang namatay sa COVID noong first quarter na wala pa sa kalahati ng 4,280 na iniulat sa parehong panahon noong 2021. (Eileen Mencias)
The post Mga Pinoy kalaban atake sa puso, stroke, cancer first appeared on Abante Tonite.
0 Comments