Nakitaan na rin ng pagtaas ng mga kaso ng dengue sa Metro Manila na umabot sa 3,408 mula Enero hanggang Mayo ngayong taon, sabi ng Department of Health (DOH).
Ayon kay DOH Undersecretary th Undersecretary Maria Rosario Vergeire, una nang nakapagtala ng matataas na kaso ng dengue sa iba’t ibang bahagi ng bansa bago sa National Capital Region.
“13 out of 17 regions in the country mayroon pong pagtaas ng kaso kung ikukumpara natin from the same time period last year. Ang nakikita natin medyo mabilis ang pagtaas ng kaso ng dengue would be in Region 7, Region 3 and Region 6,” ayon kay Vergeire.
Sinabi ni Vergeire na umabot na sa 314 ang mga kaso ng dengue sa Region II (Cagayan Valley) mula Enero hanggang Hunyo.
Nasa 186 sa kabuuang bilang ang tinamaan na may edad isa hanggang 18-anyos habang tatlo na kabilang ang isang bata ang nasawi sa rehiyon.
Sa Cebu City, umabot sa 1,254 ang bilang ng mga kaso kung saan 16 na ang nasawi at karamihan ay mga bata.
Samantala, sa Isabela, nasa 1,149 ang naitalang kaso ng dengue mula Enero hanggang Mayo habang 315 sa Zamboanga City at sa bilang na ito ay 284 ang menor de edad. (Juliet de Loza-Cudia)
The post Dengue sumipa sa Metro Manila, 12 pang rehiyon first appeared on Abante Tonite.
0 Comments