Maliliit binebenta na! Suplay ng manok kapos

Dahil sa kakulangan ng suplay ng manok at sa mataas na presyo ng mga patuka, napipilitan na lamang ang mga tindera o tindero na magbenta ng maliliit na bahagi ng manok sa mga palengke, ayon sa United Broiler Raisers’ Association (UBRA).

Sa panayam ng programang `The Chiefs’ sa One News, sinabi ni UBRA president Bong Inciong na kapos ngayon ang suplay ng manok kaya naman ang mga mamimili ay lumilipat na lamang sa baboy.

“Noong araw, `yong ganyang kaliliit na manok hindi na `yan mabibili eh, pinamimigay na lang `yan na part. It is the sign of the times that chickens of that size nabebenta pa. Nung araw hindi na mabebenta `yan,” ayon kay Inciong.

Sa susunod na mga buwan aniya magiging ‘make or break’ para sa poultry sector at magdidikita kung matutugunan ang kakulangan sa suplay ng manok.

“We will know if it is just a glitch, a problem in production in the next 30-60 days. Hopefully, this will not be like 2003,” dagdag ng UBRA president. (Dolly Cabreza)

The post Maliliit binebenta na! Suplay ng manok kapos first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments