Mister na killer lumaklak ng asido

Nagpatiwakal sa pamamagitan nang pag-inom ng muriatic acid solution ang isang mister 56-anyos na lalaki na pinaghahanap ng mga awtoridad sa kasong pagpatay sa kaniyang misis noong June 11 sa Quezon City.

Ang 56-anyos na mister ay nagtago nang paslangin ang kanyang 28-anyos na misis.

Sa report ng Masambong Police Station 2, ng Quezon City Police District (QCPD), alas-9:30 ng umaga (June 18) ay nagtungo ang mga awtoridad sa tahanan ng mga kaanak ng wanted na mister sa Taguig City, kung saan ito nagtago at sinasabing uminom ng asido.

Naisugod pa umano ng mga kaanak ang suspek sa Quezon City General Hospital subalit binawian din ng buhay alas-kuwatro ng hapon.

Una dito, bago ang pagpatay sa misis, nag-text pa umano ang suspek na magtungo ito sa kanyang bahay at kunin ang allowance ng kanilang mga anak.

Nagtungo naman ang misis sa bahay ng suspek pero habang naglalakad ay nagtalo ang dalawa hanggang sa suntukin ng lalaki ang mukha ng asawa.

Hindi pa umano nasiyahan, bumunot pa ito ng patalim at pinagsasaksak ang misis hanggang sa mapatay.

Nabatid na ang nagpatiwakal na suspek at ang napatay niyang misis ay may 11-taon nang nagsasama subalit nagkahiwalay noong October 2021. (Dolly B. Cabreza)

The post Mister na killer lumaklak ng asido first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments