Serial rapist timbog sa Isabela

BUMAGSAK sa kamay ng mga otoridad ang tinaguriang `serial rapist’ at number one wanted person sa lalawigan ng Isabela matapos masukol sa bayan ng Angadanan, Isabela.

Kinilala ni Angadanan Police Station (APS) commander P/Maj. Adree Tion, ang suspek na si Joshua Paguyo, 25, ng Barangay Dalakip, ng nasabing bayan.

Sa ulat ni Tion kay Isabela Police Provincial Office (IPPO) provincial director P/Col. Julio Go, nakatanggap umano ng isang intelligence report na namataan si Paguyo sa kanyang hideout sa isang barangay sa bayan ng Angadanan.

Dito, agad na kumuha ng arrest warrant ang pulisya at inaresto ang suspek habang nagpapahinga sa tinataguang bahay, ng mga miyembro ng APS, Regional Intelligence Unit 2 at Isabela Provincial Intelligence Team.

Sa repord, si Paguyo ay inakusahan ng serial rape sa ibat ibang bayan ng Isabela at siya ay top wanted person ng nasabing lalawigan.

Nakakulong ngayon sa APS detention cell ang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

The post Serial rapist timbog sa Isabela first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments