Nang-rape, tsumugi sa cum laude tukoy na

Kilala na ng pulisya ang suspek na responsable sa brutal na pagpatay at panggagahasa sa isang 22-anyos na babaeng graduating college student at kandidato sa pagka-cum laude sa Bacacay, Albay.

Ito ang kinumpirma ni Police Major Irvin Bellen, hepe ng Bacacay Municipal Police Station (MPS) sa panayam ng Abante Tonite kahapon.

Ayon kay Bellen, patuloy ang ginagawang manhunt operation ng kanyang mga tauhan para sa agarang pagdakip sa suspek na hindi muna pinangalanan.

“Lahat ng mga lugar na pwedeng puntahan ng suspek, kamag-anak o kakilala ay iniikutan na ng ating kapulisan kaya anumang oras ay pwede na itong maaresto at pagbayaran ang ginawa krimen laban sa biktima,” pahayag ni Bellen.

Matatandaang nangako si Bellen na magiging top priority nito ang pagdakip dahil sa sinira nitong magandang kinabukasan ng biktimang si Rhea Bejerano Boneo, graduating accountancy student ng Divine World College sa Legazpi City.

Si Boneo ay natagpuang patay Linggo ng madaling araw sa masukal na lugar

kung saan tadtad ito ng saksak, ginilitan ang leeg at may palatandaang ginahasa muna bago patayin.

Huli itong nakita noong Sabado sa bayan ng Bacacay upang mag-cashout sana ng pera na ipinadala ng kanyang kapatid para sa kanyang allowance. (Edwin Balasa)

The post Nang-rape, tsumugi sa cum laude tukoy na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments