Split na? Jeric, Rabiya nag -unfollow sa IG

Lalong tumindi ngayon ang espekulasyon na break na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo. ito’y matapos mapansin ng netizens na nag-unfollow na sa isa’t isa ang dalawa sa kani-kanilang Instagram account.

Bukod dito, binura na rin ni Rabiya ang mga larawan nila ni Jeric na magkasama kabilang na ang post kung saan ay opisyal niyang inanunsyo ang kanilang relasyon last March.

Samantalang si Jeric ay kapansin-pansin namang hindi pa naman binubura ang mga photo nila ni Rabiya.

Matatandaang umugong ang espekulasyong nagkakalabuan or split na sila matapos ang “hugot” post ni Rabiya na hinihinala ng netizens na may kinalaman sa relasyon nila ni Jeric.

Pero nilinaw naman ni Rabiya last May sa online mediacon ng Signed for Stardom ng Sparkle GMA Artist Center na walang kinalaman kay Jeric ang post niya. Dito ay sinabi rin niyang ipinaglalaban nila ng aktor ang kanilang pagmamahalan at mahal na mahal nila ang isa’t isa.

“Ang dami kong sinacrifice rin for this man. Ilang beses na rin akong napagalitan ng management ko dahil matigas daw ‘yung ulo ko pero pag nagmahal po talaga ako, totoo. And I can sacrifice few things kung ‘yun ‘yung makakabuti sa akin at kay Jeric. Mahalaga sa akin ang trabaho pero mahalaga rin po sa akin si Jeric,” ang emosyonal na pahayag ni Rabiya sa naturang mediacon.

Sabi naman ni Jeric na dumalo rin sa mediacon, “we’re very much in-love with each other, so right now, talagang masaya kami sa kung ano ang nangyayari sa amin.”

Pero last week ay biglang lumutang sa internet ang mga larawan ni Jeric na may kahalikang kapwa-lalaki and some say na baka dahil dito kaya natuluyan nang maghiwalay ang dalawa. ‘Yan ay kung totoo ngang split na sila.

Sa ngayon ay wala pa namang reaksyon sina Rabiya and Jeric tungkol sa panibagong break-up rumor na ito kaya abangan na lang natin ang kanilang pahayag.

The post Split na? Jeric, Rabiya nag -unfollow sa IG first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments