307 nagbuwis-buhay sa PNP, kinilala

Binigyang parangal ni outgoing Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang may 307 pulis na namatay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Sa flag-raising ceremony nitong Lunes sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni Año na sa naturang bilang, 56 ang namatay sa drug war, 160 sa anti-criminality campaigns at 91 sa counter-insurgency at counter-terrorism drives.

Kabilang sa pinarangalan si Staff Master Sgt. Jason Magno na hinarang ang sariling katawan upang takpan ang isang granada na inihagis ng isang suspek sa isang paaralan sa Misamis Oriental noong Nobyembre 2019.

Noong Hunyo 2019 naman, napatay si Master Sgt. Conrado Cabigao Jr. mula sa Police Regional Office sa Southern Tagalog nang umaktong poseur buyer sa isang anti-narcotics operation.

Pebrero 2020 naman, si Cpt. Efrem S. Espanto ay napatay sa isang gun battle laban sa mga communist terrorist groups.
Ani Año, sina Magno, Cabigao at Espanto ay tatlo lamang sa 307 fallen troops na nagsakripisyo ng kanilang buhay sa ngalan ng serbisyo publiko. (Dolly B. Cabreza)

The post 307 nagbuwis-buhay sa PNP, kinilala first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments