5 lugar positibo sa red tide

Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may limang lugar sa bansa ang nadiskubreng positibo sa nakalalasong red tide na lampas sa itinatakdang regulatory limit.

Nitong Linggo, sinabi ng BFAR na kabilang sa mga lugar na natuklasang kontaminado ng paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lampas sa regulatory limit hanggang noong Hunyo 30, ay ang coastal waters ng Milagros sa Masbate, Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at ang Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Kaugnay nito, pinayuhan rin ng BFAR ang publiko na huwag munang mangolekta o kumain ng mga shellfish at alamang mula sa mga naturang lugar dahil ang mga ito’y hindi ligtas kainin at maaaring magresulta sa pagkalason at pagkamatay.

Samantala, ligtas naman umanong kainin ang mga isda, pusit, hipon at mga alimasag na mahuhuli sa mga naturang katubigan, ngunit kailangang ang mga ito ay sariwa at nahugasang mabuti. (Dolly Cabreza)

The post 5 lugar positibo sa red tide first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments