Bantay sarado ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Mount Bulusan sa Sorsogon at Bulkang Kanlaon sa Negros Island dahil sa mga ipinapakitang pagtaas ng mga aktibidad at volcanic quakes.
Nitong Linggo, iniulat ng Phivolcs na nakapagtala sila ng 129 volcanic earthquakes sa Mount Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24-oras.
Sa bulletin na inilabas nitong Linggo, sinabi ng Phivolcs na ang bulkan ay nagbuga rin ng 556 tonelada ng sulfur dioxide flux noong Hulyo 2.
Ang moderate plume emissions ay umabot naman sa 150 metro ang taas, at tinangay patungong northwest at west-northwest.
Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa bulkan, na nananatili pa rin ang pamamaga at posible pa ring magkaroon ng panibagong phreatic eruption sa mga susunod na araw.
Samantala, naitala naman ang 41 volcanic quakes sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island simula noong Huyo 30 hanggang sa kasalukuyan.
Sa Kanlaon advissory nitong Linggo, nananatiling nasa alert level 1 ang naturang bulkan. Mayroon ding volcanic gas movement sa upper slopes ng bulkan.
Binalaan rin ng ahensiya ang mga residente na naninirahan sa paligid ng river channels hinggil sa posibleng pag-agos ng lahar kung magkakaroon ng malalakas at matagal na mga pag-ulan sa lugar. (Dolly Cabreza)
The post Bulkang Bulusan, Kanlaon sabay nag-alboroto first appeared on Abante Tonite.
0 Comments