Anti-Marcos rally pinayagan na sa Commonwealth

Pinayagan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagsasagawa ng mga kilos-protesta ng mga progresibong grupo sa Commonwealth Avenue (eastbound) hanggang sa kanto ng Tandang Sora Avenue sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa Lunes, Hulyo 25.

Habang ang pro-Marcos at mga kaalyadong grupo naman nito ay maaaring magsagawa ng programa sa kahabaan ng Interim Batasan Pambansa (IBP) Road malapit sa Sinagtala St., Brgy. Batasan Hills.

Ito ang napagdesisyunan sa pulong ng Department of Public Order and Safety (DPOS), Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU), Task Force on Transport and Traffic Management, QCPD District Director PBGen Remus Medina at DILG QC Director Manny Borromeo nitong Biyernes. (Dolly Cabreza)

The post Anti-Marcos rally pinayagan na sa Commonwealth first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments