Sang-ayon si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa modernization ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan kabilang sa target na bilhin ay isang submarine.
Sinabi ni DND Spokesperson Dir. Arsenio Andolong sa Laging Handa Public Briefing na base sa mga pahayag ni Senior Undersecretary at officer-in-charge ng DND Secretary Jose Faustino, suportado ng Pangulo ang modernization plan ng AFP.
Nais din aniya ng Pangulo na palakasin ang reserve forces ng AFP.
“Ayon kay Secretary Faustino, nabanggit ni Pangulong Marcos na isa sa gusto niyang palakasin ay ang reserve force. Maaaring iyan ang madinig natin sa Lunes sa talumpati ng Pangulo. Sabi din niya na ang modernization ay susuportahan niya, at iyan ay nakakataba ng puso na marinig namin,” sinabi ni Andolong.
Sa ngayon ang AFP Modernization Program ay nasa Horizon Two na nagsimula ng 2018 hanggang 2022 habang ang Horizon Three ay sa 2023 hanggang 2028 kung saan target ang multirole fighters at submarine. (Kiko Cueto)
The post DND iiskor ng submarine first appeared on Abante Tonite.
0 Comments