Kinondena ng mga senador ang naganap na pamamaril sa loob ng Ateneo De Manila University (ADMU) na ikinasawi ng tatlo katao kabilang ang dating mayor ng Basilan noong Linggo (Hulyo 24) sa Quezon City.
Ayon kay Senador Joseph Victor Ejercito, kasuklam-suklam umano ang pamamaslang kay dating Lamitan City Mayor Rose Furigay, kanyang aide na si Victor Capistrao at university security guard Jevene Bandiola na isinagawa pa mismo loob ng institusyon.
“The fact that this brutal assassination took place in a learning institution and against the backdrop of a graduation ceremony makes it even more abominable,” sabi ni Ejercito sa isang statement.
Nagpahayag din ng pagkondena at pakikiramay si Senadora Risa Hontiveros sa pamilya ng mga biktima ng pamamaril sa nasabing unibersidad. (Dindo Matining)
The post Ateneo shooting kinondena sa Senado first appeared on Abante Tonite.
0 Comments