Plano, programa ni Bongbong suportahan – Sara

Personal na humingi ng tulong si Vice President Sara Duterte sa mga supporter ni Pangulong Ferdinand Marcos para maiskatuparan ang mga plano at programa ni PBBM para sa Pilipinas na inisa-isa niya sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) kahapon.

Pinuntahan ni Duterte ang 10,000 pro-Marcos groups na nagtipon-tipon sa IBP Road sa Quezon City matapos ang SONA ng Pangulo.

“Sana, magtulong-tulong tayo sa pagpapatupad ng lahat ng nilatag ng Pangulo ng ating bansa,” ayon kay Duterte sa kanyang maikling pananalita sa harap ng nagtitipon na tinawag na ‘Kilos Suporta para sa Pagbangon at Pagkakaisa’.

Kabilang sa mga priority program na tinukoy ng pangulo sa kanyang SONA ay ang economic recovery efforts at health systems capacity-building sa gitna ng patuloy pa ring banta ng COVID-19.

Kasabay nito ay nagpasalamat na rin si Duterte sa suportang ibi­nigay sa kanilang tambalan ni Marcos. (Eralyn Prado)

The post Plano, programa ni Bongbong suportahan – Sara first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments