Bagong COVID halos 2K, Omicron variant lumobo pa

Nakapagtala ang Pilipinas kahapon ng 1,936 na bagong kaso ng COVID-19 at tatlong bagong patay, ayon sa Department of Health (DOH).

Dahil dito, pumalo sa 11,370 ang mga kasalukuyang positibo sa coronavirus sa bansa.

Sa mga nadagdag ng COVID case, 849 ay naitala sa Metro Manila.

Samantala, tumaas pa ang bilang ng mga naitalang kaso ng Omicron subvariant, ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Pinakamarami umano dito ay ang BA.5 case na nasa Western Visayas at National Capital Region.

Sabi ni Vergeire nitong Huwebes, na-detect ng DOH ang 140 case ng BA.5 habang 20 sa BA.2.12.1; at pito sa BA.4 base sa pinakahuling sequencing na ginawa ng Philippine Genome Center nitong Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.

Dahil dito, umakyat na sa 233 case ang BA.5; 70 naman ang BA.2.12.1; at 10 ang BA.4. (Issa Santiago/Juliet de Loza-Cudia)

The post Bagong COVID halos 2K, Omicron variant lumobo pa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments