Barangay, SK eleksiyon tinulak sa May 2024

Isinulong na rin sa Senado ang panukalang suspendihin ang December 2022 barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Sa inihaing bill ni Sen. Francis Escudero, iginiit nitong mas nakakabutihing suspendihin muna ang barangay elections hanggang May 2024 dahil na rin sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa na patuloy pang nakikipaglaban kontra COVID-19 pandemic.

Ang pagpaliban umano ng halalan ay magbibigay daan din para sa tuloy-tuloy na operasyon ng pamahalaan sa barangay level, partikular sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto.

Bukod dito, ayon pa kay Escudero, ang P8.44 bilyon gagamitin sa eleksiyon ay maari pang magamit ng pamahalaan ang bahagi nito sa ibang mahahalagang bagay.

Dagdag pa ng Senador, sa postponement ng barangay and SK elections ay matutukan ng national government at local government units ang mga kailangan aksiyon upang makarekober ang bansa mula sa pandemic at maging ang pagtugon sa mataas na presyo ng mga bilihin. (Eralyn Prado)

The post Barangay, SK eleksiyon tinulak sa May 2024 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments