DA didiskarte para itlog bumaba presyo

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang posibilidad kung maaaring bigyan ng subsidiya para sa patuka ang mga mayroong poultry para hindi tumaas ang presyo ng itlog.

Sinabi ni Agriculture Undersecretary Christine Evangelista, kagaya rin ito ng ibinibigay na subsidiya sa mga magsasaka para sa kanilang fertilizer o kaya ay butil ng palay para hindi masyadong mahirapan.

Ayon kay Evangelista, umaaray ang mga livestock raiser dahil sa mataas na presyo ng feeds kaya hindi maiwasang magtaas ng presyo sa kanilang produkto, partikular ang itlog.

“There are always studies if we should start giving feeds, kung mayroon ba tayong programa para diyan, gaya ng programang ibinibigay natin sa mga magsasaka. Tingnan po natin kung anong suporta ang maibibigay natin sa ating livestock raisers also. This is something that we are exploring as well if it is doable and how much will it takes to create an impact para makatulong tayo sa livestock raisers at mapababa ‘yong presyo ng ating mga itlog,” ani Evangelista.

Sa ngayon aniya ay nasa P6.50 ang halaga ng itlog per piraso na medium-sized at pinag-aaralan na ng DA kung ano ang mga gagawing hakbang para mapababa ang preso nito. (Aileen Taliping)

The post DA didiskarte para itlog bumaba presyo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments