Bato ilalaban ayuda ng middle class

Ang middle class umano ang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa kaya’y nararapat lang din na tumanggap sila ng tulong mula sa pamahalaan, ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

“Dapat hindi tayo masyadong mapili dahil lahat naman tayo tinamaan ng pandemya. Lahat naman tayo tinamaan nitong oil price hike,” pahayag ng senador sa panayam ng mga reporter.

Sabi ni Dela Rosa, kung limitado lang ang pondo ng gobyerno, dapat unahin na ang pinakamababa pero kung sobra naman aniya, mas mainam na isama na rin ang middle class.

“Ang middle class, sila ang nagbabayad ng taxes, sila ang nagtatrabaho. Mapapansin mo ‘yung talagang nasa pinakababa, ang iba diyan hindi nagtatrabaho,” sambit pa niya. (Dindo Matining)

The post Bato ilalaban ayuda ng middle class first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments