Paglilitis sa ill-gotten ng pamilya ni PBBM aarangkada

Itinakda ng Sandiganyan sa susunod na buwan ang pre-trial sa ill-gotten wealth case laban sa pamilya ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa Agosto 4 at 5 ang pre-trial at marking of evidence sa Civil Case No. 0014.

Pinayagan ng graft court ang mga Marcos na magprisinta ng ebidensiya sa kasong may kaugnayan sa tagong yaman ng pamilya noon pang 1987, unang itinakda ang pagdinig ngayong Hulyo 7 subalit humingi ang abogado ng pamilya na si Manuel Plaza ng 60 araw na palugit, hindi naman ito pinagbigyan at itinakda ito sa Agosto 4 at 5.

Sa kasalukuyan ay nasa P170B na ang narekober ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na ill-gotten wealth ng mga Marcos. (Tina Mendoza)

The post Paglilitis sa ill-gotten ng pamilya ni PBBM aarangkada first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments