Bebot na tulak kinalawit sa Las Piñas

Tiklo ang isang umano’y lady pusher sa ikinasang buy-bust operation ng Las Piñas City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay Zapote, Las Piñas City noong Huwebes.

Ayon sa pulisya, nakumpiska mula sa suspek na si Analyn Idong, 43-anyos ng nasabing lugar, ang 15.3 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P104, 000 at P300 na ginamit sa nasabing buy-bust operation sa kahabaan ng Casimiro Ave., Barangay Zapote bandang alas-nuwebe ng gabi nitong Huwebes.

Si Idong ang itinuturong nagkakalat umano ng ilegal na droga sa lugar.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek. (Betchai Julian)

The post Bebot na tulak kinalawit sa Las Piñas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments