4 most wanted nadakma sa QC

Apat na most wanted person ng pulisya ang nadakma sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGEN. Remus B. Medina, naaresto sa bisa ng warrant of arrest sina Roland Lazaro, 43, ng Barangay Central sa lungsod at No. 6 station level most wanted person dahil sa kasong Acts of Lasciviousness; Edgar Abringe, 49, ng Violago Homes, Quezon City at No.6 most wanted person sa lungsod dahil sa kasong Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004; Jomma Abordo, 21, ng Barangay Upper Bicutan sa Taguig City na may kasong dalawang bilang ng theft; at si Cresencio Antonio, 56, ng Barangay Capri, Novaliches at No. 10 station level most wanted person dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.

“Ang mga Wanted Persons na ito ay hindi natin hahayaan na lumaganap sa ating lugar kaya patuloy pa rin tayo sa walang humpay na pagtugis sa kanilang pinagtataguan. Sisiguraduhin natin na mananagot sila sa batas,” pahayag pa ni Medina. (Dolly Cabreza)

The post 4 most wanted nadakma sa QC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments