Aftershock ng Abra quake naitala sa 1,108

Umabot na sa 1,108 ang naitalang aftershock mula sa 7.0 magnitude na lindol na tumama sa Luzon at sumentro sa Abra nitong Miyerkoles, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na inaasahang madaragdagan pa ito sa susunod na mga oras. Sa nasabing bilang, 285 ang nasagap dito ng ng tatlo o mahigit pa nilang istasyon habang ang 25 naramdamang mga aftershock ay nasa pagitan ng 1.0 hanggang 5.0 magnitude.

Nararanasan ang mga aftershock sa mga bayan ng Abra kabilang ang Tayum, Bangued, Bucay, Bicloc, Dangals, Dolores, La Paz, Lagangilang, Licuan-Baay, Luba, Malibcong, Manabo, Penarrubia, Pilar, Sallapadan at San Juan.

Marami pa umano ang natutulog sa labas ng kanilang mga bahay sa takot sa panganib ng aftershock. Una nang sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na tatagal pa ng ilang Linggo ang nararanasang aftershock subalit habang tumatagal ay pababa na ang intensity nito hanggang sa tuluyan nang hindi maramdaman. (Tina Mendoza)

The post Aftershock ng Abra quake naitala sa 1,108 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments