Bet tularan mga Oppa ! Mandatory ROTC, CAT hirit kay Marcos

Hiniling ni Duterte Youth party-list Rep. Drixie Cardema kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibalik ang mandatory Reserved Officers Training Corps (ROTC) sa kolehiyo.

Itinulak din ni Cardema ang pagbabalik ng mandatory Citizens Army Training (CAT) sa high school at Boy Scouts/Girl Scouts program sa elementarya.

“From 2002-2022, Congress failed to pass into law the many measures for its return. We hope the President can include it in his SONA and make ROTC/CAT/Scouting an urgent measure of this administration,” sabi ni Cardema.

Maaari rin umanong magpalabas si Marcos ng Executive Order (EO) kaugnay ng pagbabalik ng mandatory training.

Ayon kay Cardema nagamit ng Singapore ang National Service (NS) nito upang makapagtanim ng disiplina sa kalalakihan na nakatulong upang maging first world country.

Sa South Korea ay sumasabak sa military service ang kalalakihan, maging ang mga movie star at anak ng mayayaman.
Ayon kay Cardema maaari ring gamitin ang pagsasanay upang maging handa ang kabataan sa mga kalamidad. (Billy Begas)

The post Bet tularan mga Oppa ! Mandatory ROTC, CAT hirit kay Marcos first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments