Posible umanong magkaroon ng rotational brownout sa Metro Manila at iba pang lugar na pinagsisilbihan ng Meralco kapag tumigil sa pagsusuplay ng kuryente ang dalawang power plant sa Luzon.
Mangyayari ito kung hindi umano mapagbibigyan ang hirit ng Meralco at ng dalawang power plant na i-adjust ang kontrata para masalo ang pagtaas ng presyo ng fuel na nagpapatakbo sa mga planta.
“Dalawa lang ang puwedeng maging impact nito sa mga consumers, kung wala kaming makuha eh naturally magkakaroon nga ‘yan ng rotational brownout at kung may makuha naman kami mas malaki ang presyo, mas malaki ang babayaran ng customers,” saad ni Meralco Regulatory Management head Ronald Valles.
Samantala, pag-aaralan umano nang mabuti ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang hirit ng Meralco at dalawang power plant para sa proteksiyon ng mga consumer.
“Anumang inihain sa komisyon na mag-a-adjust ng taripa lalo na kung pataas hindi ‘yan ura-uradang iiimplementa dahil inaaral ‘yan mabuti para sa proteksiyon ng mga consumer,” lahad ni ERC Commissioner Rexie Baldo-Digal. (Issa Santiago)
The post Meralco rotational brownout nakaamba first appeared on Abante Tonite.
0 Comments