PBBM kinalampag na tugisin si Bato dela Rosa

Nanawagan sa Malacañang ang grupo ng mga biktima ng “war on drugs” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tugisin at arestuhin si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa pahayag ng grupong Rise Up for Life and for Rights, umapela sila sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para ipatupad ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa nagtatagong senador.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang grupo dahil hindi pa rin naihaharap si Dela Rosa sa ICC.

Limitado rin umano ang galaw ng ICC subalit nananatiling umaasa sila sa international tribunal na mapapanagot ang mga sangkot sa crimes against humanity kaugnay ng kampanya ni Duterte kontra ilegal na droga.

“We continue to plead for the Marcos administration to arrest Ronald ‘Bato’ Dela Rosa against whom an ICC warrant has been issued,” ayon sa pahayag ng grupo.

Umaasa rin ang grupo na matutuloy ang paglilitis ng ICC kay Duterte na itinakda ang pagsisimula sa Nobyembre 30, 2026.

The post PBBM kinalampag na tugisin si Bato dela Rosa first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments