Namulot ng basura, binoga

Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa ospital ang isang hindi pa nakilalang basurero na umanoy may kapansanan sa pag-iisip nang barilin ng hindi pa kilalang suspek sa Quezon City, Linggo ng umaga.

Sa report ng Quezon City Police District, ng Galas Police Station (PS-11), alas-6:10 ng umaga (July 3), nang maganap ang insidente sa D. Tuazon kanto ng Lourdes Castillo St., Brgy. Don Manuel, QC.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Raymund F Fabriquer, ng PS-11, namumulot umano ng basura ang biktima nang barilin ng hindi pa nakilalang suspek.

Nang duguang bumulagta ang biktima ay agad itong isinugod sa Quezon City General Hospital ng nagrespondeng mga pulis at tanod kung saan patuloy pa itong inoobserbahan.

Nasamsam sa crime scene ang isang basyo ng bala ng di pa batid na kalibre ng baril. (Dolly B. Cabreza)

The post Namulot ng basura, binoga first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments