COVID daily akyat sa 2,371; active case 16K — DOH

Tumalon sa 16,244 ang kasalukuyang may COVID-19 sa bansa, pinakamataas mula noong Abril 21.

Naitala rin ng Department of Health (DOH) ang panibagong 2,371 kataong nagpositibo nitong Huwebes.

Ito rin ang highest daily tally sa halos limang buwan o mula noong Pebrero 16, ayon kay ABS-CBN Data Analytics Team head Edson Guido.

Samantala, nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyon sa bansa na may pinakamaraming bilang ng COVID case sa nakalipas na dalawang linggo sa 8,598; sinundan ng CALABARZON sa 4,212, at Western Visayas sa 1,735.

Ang Quezon City naman ang may pinakamaraming iniulat na COVID case sa mga lungsod sa nakalipas na dalawang linggo sa 1,709; sumunod ang Cavite sa 1,496 at Maynila sa 1,098. (Issa Santiago)

The post COVID daily akyat sa 2,371; active case 16K — DOH first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments