Cusi kinasuhan ng cyber libel ni Gatchalian

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal sa Valenzuela City Prosecutor’s Office si dating Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi matapos magsampa ng reklamong cyber libel si Senador Win Gatchalian.

Ang reklamo ay nag-ugat sa pahayag ni Cusi na inilathala sa DOE website noong Pebrero 4, 2022 na humahamak sa reputasyon at integridad ng senador pati na sa imbestigasyon ng Senate Energy Committee noong 18th Congress na may kinalaman sa bentahan ng 45% participating interest ng Chevron Philippines sa Malampaya gas project.

“It is unfortunate that, in the course of the Committee hearings, Senator Gatchalian had chosen to lend his ear to those adversarial business interests. It was obvious in these hearings that Senator Gatchalian has sought to undermine the DOE’s ability to conduct a comprehensive evaluation of the proposal covering the said sale of shares,” pahayag ni Cusi sa isang statement noong Pebrero 4, 2022.

Pero ayon naman kay Gatchalian, ang pahayag ni Cusi ay mapanirang puri dahil nagpapahiwatig ito na batay lamang sa espekulasyon at sabi-sabi ang naging pagdinig ng komite na pinalaganap ng ilang may interes sa nasabing negosyo.
Inilabas ni Cusi ang kanyang pahayag matapos maipadala sa Ombudsman ang Senate Resolution No. 137 na iminungkahi ni Gatchalian at pinagtibay ng Senado.

Ang resolusyon ay naglalaman ng ‘Sense of the Senate’ na magsampa ng mga kaukulang kasong kriminal at administratibo tulad ng gross neglect of duty, grave misconduct, at conduct prejudicial to the best interest of the service laban kay Cusi, sampu ng iba pang mga dating opisyal ng DOE kasunod ng pag-apruba at pagrekomenda nila sa transaksiyon sa Malampaya na salungat sa mga umiiral na batas at regulasyon.

Wala pang inilabas na pahayag si Custi hinggil sa reklamong inihain laban sa kanya ni Gatchalian. (Dindo Matining)

The post Cusi kinasuhan ng cyber libel ni Gatchalian first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments