Grade 11 timbog sa milyong shabu

Nasamsam sa isang senior high school student ang P1.5 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Talisay City nitong Biyernes.

Kinilala ang inarestong si Jedy Selitorio, 23, grade 11 student, residente ng Brgy. Mambaling Cebu City.

Ipinahayag ni Talisay City Police Station Chief Lieutenant Colonel Randy Caballes na nadakip si Selitorio bandang alas-10:00 ng gabi sa Brgy. Tangke.

Umabot ng 230 gramo ng shabu ang nakuha rito at nagkakahalaga ito ng P1.5 milyon.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 of Dangerous Drugs Act of 202 section 5 and 11.

The post Grade 11 timbog sa milyong shabu first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments