PATONG-PATONG na kaso ang kinakaharap ng isang babaeng nagpakilalang opisyal ng US Army na naka-base umano sa Syria matapos tumangay ng mahigit sa P181K sa kanyang “girlfriend” sa internet love scam sa Gen Trias City, Cavite Biyernes.
Nasa kustodiya na ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang suspek na si Christina J. Gonzales, aka Anthony Jeorge; aka Christina Husay dahil sa reklamo ng di pinangalanang biktima.
Ayon sa biktima, July 12, 2022 nang nakilala niya ang suspek sa Facebook na nagpakilalang Anthony Jorge na nauwi sa “online relationship”.
Dito nagsamantala ang suspek kung saan sinabi nito na meron siyang ipinadalang package na naglalaman ng cash at mahahalagang bagay, gayunman, naka-hold umano sa airport dahil sa di nabayarang taxes at clearances.
Sinabi ng suspek sa biktima na padalhan siya ng pera para sa release ng kargamento. Nagpadala ang biktima ng P15,000 sa pamamagitan ng local agent na si “Christina Husay” na siyang mag-ayos ng package at P166,255 para sa bayad sa delivery sa kanilang bahay.
Subalit walang natanggap ang biktima dahilan upang mag-report ito sa Anti-CyberCrime Group (ACG).
Nang muling humingi ng pera ang suspek, dito ikinasa ng Cyber Financial Crime Unit (CFCU) ang entrapment operation na ikinaaresto ng suspek sa aktong ini-encash ang ipinadalang pera ng biktima sa isang remittance center sa Gen. Trias City, Cavite. (Gene Adsuara)
allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen>
The post Bebot timbog sa online love scam first appeared on Abante Tonite.
0 Comments