Ibinugang sulfur dioxide ng Mt Bulusan, dumoble

Muling nagpakita ng pagtaas ng aktibidad ang Mt. Bulusan sa Sorson matapos na dumoble ang ibinubuga nitong sulfur dioxide sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), umabot sa 1,155 toneladang sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan kumpara sa 632 tonelada noong Hulyo 6.

Nagtala rin anila ito ng limang pagyanig habang umabot sa 100 metro ang taas ng singaw nito patungong hilaga-hilagang kanluran.

Sinabi ng Phivolcs na posible pa rin ang muli nitong pagputok dahil sa abnormal nitong mga aktibidad sa nakalipas na mga linggo. Nananatili pa rin ang alert level 1 sa paligid ng bulkan at patuloy na ipinatutupad ang 4 kilometer danger zone sa lugar.

The post Ibinugang sulfur dioxide ng Mt Bulusan, dumoble first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments