Empleyado humirit ng suweldo, boss nag-amok

Kalaboso matapos na magwala ang isang Chinese national matapos singilin ng P1.5 milyon pampasuweldo sa kanyang mga empleyado sa call center, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Nasa kustodiya ng Manila Police District- General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang suspek na si Ji Ming, 29, nanunuluyan sa Century Pearl Tower, Ermita, Maynila.

Si Ming ay sinampahan ng kasong alarm and scandal, Art.358, Slander ng Art.315 at Estafa sa Manila Prosecutor Office ng MPD-GAIS.

Sa imbestigasyon ng pulisya, unang nagtungo si Emmalene Uy, administation head ng Vertex Digital Entertainment Texhmologis Incorporated sa condo ni Ming alas-2:30 ng hapon upang singilin umano ng halagang P1,500,000.00 na sahod umano ng mga empleyado nito sa call center.

Sa halip na magbayad, nagkaroon ng komosyon sa loob ng unit ni Ming kung saan at nagsigawan ang dalawa.

Tiyempong nagro-roving ang guwardiya na si Jose Baraya at narinig ang sigawan.

Tinangka nitong payapain si Ming pero maging siya ay sinalya hanggang sa magpambuno ang dalawa at nagawang posasan si Ming.

Binitbit sa MPD-Police Station 5 ang Chinese at itinurn over sa MPD- GAIS. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Empleyado humirit ng suweldo, boss nag-amok first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments