PORMAL nang idineklara kahapon ng Lalawigan ng Abra ang State of Calamity sa kanilang lugar.
Itoy kasunod ng malakas na magnitude 7 na lindol na tumama sa kanilang lugar.
Inaprubahan ito provincial council sa pamamagitan ng isang resolusyon na naglalagay sa buong Abra sa state of calamity kung saan sa nagdaang lindol ay “severely damaged” ang mga pribado at pampublikongestablisimiyento ataabot sa 80 porsyento ng populasyon ang apektado.
Sa ilalim ng state of calamity pinapayagan ang local officials na awatin ang pagtaas ng presyo ng basic goods at kumuha ng calamity funds.
Pinag-iingat naman ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga taga-Abra sa mga aftershocks.
Sa situational briefing na ibinigay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Abra, sinabi ni Phivolcs Officer-in-Charge Renato Solidum na dapat munang matiyak na ligtas ang mga bahay at gusali bago bumalik ang mga tao sa kani-kanilang bahay.
Kailangan din aniyang alam ng mga mamamayan kung paano tumugon sa mga aftershocks dahil inaasahang magtatagal pa ito ng ilang linggo. (Kiko Cueto/Aileen Taliping/Tina Mendoza)
The post Nasa state of calamity! Mga aftershock sa Abra tatagal pa first appeared on Abante Tonite.
0 Comments