Tatay na-stroke, kuya nakulong: Toreteng kolehiyala, nagbigti

Labis na depresyon dahil sa pagkaka-stroke ng ama at pagkakaaresto sa kanyang kuya ang nagtulak sa isang estudyante para magbigti kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Alas-6:00 ng gabi nang madiskubre ang pagpapakamatay ng 20-anyos na kolehiyala, hotel and restaurant management student at taga-Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon ni Pat Christian Joseph Pineda, ng Manila Police District-homicide section, sinabi ng tiyahin ng biktima na pag-uwi sa bahay mula sa trabaho ay naramdaman niyang parang may nakatayo sa kanyang likuran. Nang silipin ay nakitang nakabigti ang biktima gamit ang nylon cord.

Ayon kay Cordero naging malulungkutin na ang biktima matapos maaresto ang kanyang kuya noong 2021 na sinundan pa ng pagkaka-stroke ng kanyang ama. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Tatay na-stroke, kuya nakulong: Toreteng kolehiyala, nagbigti first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments