Pinoy sa Macau isasailim sa nucleic acid Test

Nanawagan ang konsulado ng Pilipinas sa Macau sa mga Pilipino rito na makiisa at sumailalim sa tatlong araw na nucleic acid test bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Una nang nagbaba ang Macau Sepcial Administrative Region ng kautusan na isailalim sa nucleic acid test ang lahat ng Philippine Passport holder sa Macau mula Hulyo 22 hanggang ngayong araw.

Dahil ito sa naitalang 171 nahawang Pinoy na halos 10 porsyento ng impeksyon sa Macau. Umaabot sa 30,000 ang mga Pinoy na nasa Macau ngayon.

Kabilang sa isasailalim sa tatlong araw na nucleic acid test ang mga kawani at opisyal ng konsulado sa Macau.( Betchai Julian)

The post Pinoy sa Macau isasailim sa nucleic acid Test first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments