ROTC sa senior high bubuhayin

Ibabalik ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mandatory Reserve Officer’s Training Corps (ROTC).

Sinabi ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na isa ito sa mga priority measures na hihilingin niyang aksiyunan agad ng mga mambabatas sa 19th Congress.

Sinabi ng Pangulo na nais niyang gawing mandatory sa senior high school program ang ROTC sa lahat ng mga paaralan, pribado man o pampubliko.

Layon aniya nito na ma-motivate, maturuan at magamit ang mga estudyante sa panahon ng krisis gaya ng kalamidad at iba pang sitwasyong kailangan ang tulong ng mga ito.

Bukod sa ROTC ay kasama ring isusulong ng Presidente ang pagbabalik ng National Service Training Program (NTSP).

Hindi pa man naisasalya ang ROTC sa Kongreso ay may mga grupo ng tumutol na ibalik ito sa mga eskuwelahan. (Aileen Taliping)

The post ROTC sa senior high bubuhayin first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments