Sanya kinabog sina Marian, Bea sa rampahan

NI: ARCHIE LIAO

Usap-usapan ngayon ang ginanap na GMA Thanksgiving Gala na dinaluhan ng Kapuso stars sa kanilang glamorosong outfits.

Ayon sa mga fashionista, kinabog ni MUP 2022 Celeste Cortesi in Anthony Ramirez gown sina Marian Rivera (in Ralph & Russo), Bea Alonzo (in Dior, Cape by Rajo Laurel) at Heart Evangelista (in Ashi Studio) sa rampahan. Eksenadora rin sina Gabbi Garcia na classy sa kanyang Vania Romoff dress, Sanya Lopez na bongga sa kanyang Michael Leyva outfit at Julie Anne San Jose sa kanyang Mark Bumgarner fashion wear.

Sa awardees naman, kinabog ni Sanya Lopez sina Bea Alonzo at Marian Rivera nang tanghalin itong Sparkle Female Star of the Night kasama ang Kapuso actor na si Alden Richards na wagi bilang Sparkle Male Star of the Night.

Ang celebrity couple naman na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang itinanghal na Couple of the Night. Ang titulong Glamorous Star of the Night naman ay napunta kay Heart Evangelista. Tinanghal namang Sparkle Love Team of the Night sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara samantalang TikTok crowd favorite sina Miguel Tanfelix at Sofia Pablo.

The post Sanya kinabog sina Marian, Bea sa rampahan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments