Simula ngayong araw, Agosto 1 ay arangkada na ang Brigada Eskwela 2022 kung saan inaasahan na magbabayanihan ang mga dadalong magulang, guro at mag-aaral para ayusin at linisin ang kani-kanilang mga silid-aralan at ang kick-off ay gagawin sa Imus Pilot Elementary School sa Cavite.
Ayon sa Department of Education (DepEd), ang Brigada Eskwela ay simula Agosto 1 hanggang 26, 2022 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase na may temang ‘Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral’.
Nakatuon sa pagpapatibay ng partnerships sa pagitan ng DepEd at sa stakeholders nito upang kilalanin ang pangangailangan ng mga Pilipinong mag-aaral, na tiyak sa paghahatid ng de-kalidad na edukasyon para sa lahat.
Inaasahan ang pagdalo ng ilang media at kaibigan upang makita ang ginagawa sa Brigada Eskwela katuwang si DepEd Sec. Sara Duterte at mga opisyal ng ahensiya. (Vick Aquino)
The post Brigada Eskwela arangkada na first appeared on Abante Tonite.
0 Comments