3 kotong cop kulong ng 8-taon

Ni Nancy Carvajal

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang naging hatol sa tatlong pulis-Maynila na nangikil laban sa isang Egyptian sa kasagsagan ng war on drugs, tatlong taon na ang nakararaan kung saan isa sa kanilang kasamahan ay pinawalang-sala.

“The aggravating circumstance of taking advantage by the offender of his public position was rightfully appreciated against accused-appellants since they were all police officers during the commission of the crime,” ayon na rin sa desisyon ng korte.

Sa 30-pahinang desisyon, sinang-ayunan ni CA Justice Ramon Cruz ang hatol ng Manila Regional Trial Court Branch 32 Judge laban kina PO3 Richard Bernal, PO1’s Arjay Lasap at Exequiel Jeric Fernandez, ng pagkakakulong sa mga ito sa loob ng 4 hanggang 8-taon. Habang pinawalang-sala ng korte si SP03 Ranie Dionisio sa paratang laban sa kanya.

Taong 2018 nang damputin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation Special Action Unit sa pangunguna ni lawyer Jerome Bomediano ang nasabing mga pulis sa entrapment operation sa Malate, Manila matapos ireklamo ng dayuhang si Sayed Azab at Pinay nitong kabiyak na si Racel Guno ang grupo.

“From the overt acts performed by accused-appellants, Lasap, Bernal and Fernandez, there is moral certainty that they conspired with each other in committing the crime robbery/extortion against the
complainants.”

Lumitaw na hiningan ng mga pulis ng P50,000 si Azab kapalit ng hindi pagsampa ng umano’y kasong droga laban sa dayuhan.

Agad namang nakipag-ugnayan ang NBI-SAU entrapment operation sa Philippine National Police Counter Intelligence Task Force (CITF) hanggang sa madakip ang nasabing mga pulis scalawag sa operasyon.

The post 3 kotong cop kulong ng 8-taon first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments