Bagyong `Florita’ hahagupit sa Martes – Pagasa

Lumalakas ang bagyong `Florita’ habang tinutumbok ang silangang bahagi ng Tuguegarao City Linggo ng hapon at posibleng tumama ito sa kalupaan bukas, Martes, ayon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa)

Ayon sa weather bulletin na inilabas ng Pagasa alas-singko ng hapon nitong Linggo, namataan ang sentro ng bagyo na nasa 540 kilometro ang layo sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at may bugso na hanggang 70 kilometro kada oras.

Sa forecast ng Pagasa, maaaring maging tropical storm si `Florita’ ngayong Lunes ng umaga o hapon at posibleng lumakas pa ng 75 kilometro kada oras bago tumama sa kalupaan Martes ng umaga o hapon.

Inaasahan naman umano ang bahagyang paghina ng bagyo habang binabagtas nito ang Northern Luzon subalit mananatili ang forecast hinggil dito sa tropical storm category.

The post Bagyong `Florita’ hahagupit sa Martes – Pagasa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments