Mga estudyante libreng sakay sa Coast Guard bus

Good news para sa mga estudyante.

Sa unang araw ng balik-eskuwela ngayong Lunes, Agosto 22, may libreng sakay para sa inyo ang Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG Commandant Artemio Abu, dalawa hanggang tatlong Coast Guard bus ang ide-deploy mula alas-sais hanggang alas-nuwebe ng umaga.

Gayundin mula alas-kuwatro ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi para maserbisyuhan ang mga estudyante sa Quezon City at Maynila.

Mula Quezon City Hall, bibiyahe ang mga Coast Guard bus para magsakay ng mga pasahero papuntang university belt sa España, Maynila.

Iikot din ang mga sasakyan sa Rizal Park bago bumalik sa Quezon City.

Ani Abu, simpleng tulong nila ito sa mga estudyante sa pagsisimula ng school year 2022-2023 dahil sa patuloy na pagtaas ng pamasahe.

Paalala naman niya sa mga estudyanteng sasakay ng mga Coast Guard bus na magsuot ng face mask at magdala ng alcohol. (Issa Santiago)

The post Mga estudyante libreng sakay sa Coast Guard bus first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments