Senado kinalampag gobyerno! Eskapo ng 140K OFW sa Taiwan plantsahin

Pinalalalatag na ni Senador Koko Pimentel ang plano ng gobyerno para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na maaring maipit sa namumuong sigalot sa pagitan ng Taiwan at China.

“Dapat paghandaan kahit secretly lang confidentially lalo na 140,000 OFW sa Taiwan kahit hindi publicly ianunsyo, dapat meron tayo plano paano natin sila alisin sa Taiwan rapidly,” ayon kay Pimentel.

Gayunpaman, naniniwala ang senador na kailangan maging kalma lang ang lahat habang nagmamatyag sa namagitang tension ng dalawang bansa.

Bukod dito, dagdag ni Pimentel na kailangan din klaruhin ng Pilipinas sa China na mananatili ang ‘One China Policy’. (Eralyn Prado)

The post Senado kinalampag gobyerno! Eskapo ng 140K OFW sa Taiwan plantsahin first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments