Lacson naging magsasaka sa South Cotabato

Pinangunahan ni dating senador Panfilo `Ping’ Lacson ang pagtatanim sa South Cotabato.

Ibinahagi ni Lacson sa Instagram ang mga larawan ng bagong yugto ng kanyang pagsisilbi sa bayan matapos magretiro bilang senador.

“Nandito tayo ngayon sa South Cotabato para sa bagong yugto ng ating serbisyo publiko.

Ayon kay Lacson, gamit nila sa pagtatanim sa 3,000 ektarya ang mga makabagong teknolohiya.

“Ngayong araw sisimulan natin ang Sorghum farming sa halos 3,000 ektarya gamit ang makabagong teknolohiya sa pagsasaka,” pahayag ni Lacson. (Sherrylou Nemis)

The post Lacson naging magsasaka sa South Cotabato first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments