Health expert inalarma pagsipa ng dengue

Hindi nababantayan ng mga mamamayan at mga lokal na pamahalaan ang kalinisan sa kapaligiran kaya dumami ang kaso ng mga nagkakasakit ng dengue sa bansa.

Ito amg inihayag ni Dr. Jose Rene de Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) kasunod ng mataas na kaso ng dengue sa bansa na mga bata ang karamihang tinatamaan.

Sinabi ni De Grano na hindi malinis ang kapaligiran kaya dumami ang pinangingitlugan ng lamok na siyang nagdadala ng dengue.

“Iyon nga po ang nakikita natin dumadami po, actually right now doon sa NCR (National Capital Region) dumami. Ibig pong sabihin niyan na hindi natin nababantayan ang ating mga kapaligiran `no. Ibig sabihin iyong breeding places ng ating mga mosquito ay nagpapatuloy,” ani De Grano.

Dapat aniyang ibalik ang dating programa ng mga local government unit na `Tapat ko, linis ko’ sa bawat barangay upang mapanatili ang kalinisan sa paligid at hindi magkaroon ng pagkakataon na makapagparami ang mga lamok na nagdadala ng dengue.

“Dito po sa dengue na dumadami right now ay ipagpatuloy po iyong paglilinis ng ating mga kapaligiran, nang sa ganoon po iyong breeding places ng ating mga lamok ay maaalis at ng hindi po ito kumalat sa ating mga barangay,” dagdag pa ni De Grano. (Aileen Taliping)

The post Health expert inalarma pagsipa ng dengue first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments