
Umaabot na sa P19.1 milyon ang danyos sa agrikultura dahil sa b
bagyong Florita, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Umabot naman sa P10.2 milyon ang pinasala sa mga imprastraktura, sabi ni OCD Deputy Administrator for Operations Assistant Secretary Raffy Alejandro.
“Overall yong assessment natin ay medyo okay naman, meron lang halos 70 houses na damaged, at konti, mga less than 20 ang totally damaged then
yong mga reported natin na mga saradong mga daan ay okay naman kasi for the past 2 days ay medyo okay na `yong ating weather,” ayon kay Alejandro.
“But ang medyo may ano lang na effect ay sa agriculture sector, halos umaabot na sa P19.1 million yong reported damage. But meron pa pong papasok dito
yong sa Region 2, inaantay natin matapos yong kanilang assessment, madadag po
yan dito,” dagdag niya.
Tatlo ang nasawi habang apat ang sugatan dahil sa bagyong Florita, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. (Kiko Cueto)
0 Comments