Marcos kapos ng P1.45T sa 2023 budget

Mas malaki ng P1.45 trilyon ang gagastusin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2023 kaysa sa makokolekta nito mula sa mga buwis at taripa at dadagdag sa utang ng Pilipinas na itinala sa P12.79 trilyon noong katapusan ng Hunyo.

Ayon sa Department of Budget and Management, P5.085 trilyon ang kabuuang gastusin ng pamahalaan sa 2023 samantalang P3.63 trilyon lamang ang inaasahan nitong makolekta mula sa mga buwis, taripa, at mga fees and charges.

Sa pangungutang nakakakuha ang pamahalaan ng pera para pantustos sa mga gastusin nitong lampas sa nakokolekta nitong buwis na dahilan kaya palaki lamang nang palaki ang utang ng Pilipinas.

Noong 2021, ang tinatawag na fiscal deficit o ang kakulangan ng koleksyon kumpara sa gastusin ng pamahalaan ay nasa P1.67 trilyon. Ngayong taon, ang kulang sa koleksyon sa gastusin ay nakikinita sa P1.65 trilyon sapagkat ang gastos ay nasa P4.95 trilyon samantala ang koleksyon ay inaasahang nasa P3.3 trilyon lamang. (Eileen Mencias)

The post Marcos kapos ng P1.45T sa 2023 budget first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments