NCR ‘di apektado tubig suplay sa pagkumpuni ng Angat Dam

Hindi apektado ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa pagsasara ng Auxiliary Turbine Unit No. 2 (AU#2) ng Angat Hydroelectric Power Plant Auxiliary simula ngayong araw, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ang Angat Hydro Power Plant ay may kapasidad na 218 megawatts sa kabuuan at pinatatakbo ng joint venture ng Korea Water Resources Corporation at ng SMC Global Power.

Ayon sa MWSS, hiniling ni MWSS Administrator Leonor Cleofas sa Angat H ydropower Corporation na damihan ang mga gagawa dito tulad ng mga diver, fabricator, at mga inhinyero.

Nilinaw ng MWSS na apektado man ang operasyon ng dam dahil sa repair, maliit naman ang pagkakataong maapektuhan nito ang suplay ng tubig dahil makakapaglabas pa rin ng tubig ang dam sa mga bypass nito ng auxiliary turbine.

Dagdag ng MWSS, garantisado pa rin ang 48 cubic meters per second na pag-release nito sa Manila Water at Maynilad at hindi maaabala ang suplay ng tubig. (Eileen Mencias)

The post NCR ‘di apektado tubig suplay sa pagkumpuni ng Angat Dam first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments