Monkeypox nakabubulag – eskperto

Posibleng mauwi sa pagkabulag ang isang taong tinamaan ng monkeypox kapag nagkaroon ito ng kumplikasyon.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante sa harap ng posibleng banta ng monkeypox sa bansa matapos makapagtala ng isang kaso noong nakalipas na linggo.

“Ang monkeypox is not a fatal infection. In fact, a lot of these patients will have a self-limited course, ibig sabihin, maski hindi ka gagamutin ay maghihilom lang iyong mga sugat mo at you can survive. But there are rare complications of monkeypox at iyong isa diyan ay iyong nabubulag – loss of vision,” ani Solante.

Kabilang pa aniya sa ibang kumplikasyon na bihira namang mangyari ay impeksiyon sa utak, o pneumonia lalo na sa mga immunocompromised na tinamaan ng monkeypox. (Aileen Taliping)

The post Monkeypox nakabubulag – eskperto first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments