PH ‘di padidikta sa China – Sec Trixie

Hindi magpapadalos-dalos ang gobyerno sa mga isyung may kinalaman sa panlabas na relasyon ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ng Malacañang kasunod ng pahayag ng Chinese Embassy sa Pilipinas na dapat sundin ang One China Policy sa harap ng posibleng pagbisita sa bansa ni United States House Speaker Nancy Pelosi.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na maingat na pinag-aaralan ang usapin dahil iniiwasan ng gobyerno na maapektuhan ang relasyon sa alinmang kaibigang bansa ng Pilipinas.

Mahirap aniyang muling ibalik ang magandang relasyon kapag nagkaroon ng lamat dahil lamang sa mga pabigla-biglang pahayag.

“Usually, when its matters of international relations, we take time to study the matter and do not react immediately. Loose words might affect relationships and a very difficult to rebuild,” ani Angeles.

Hihintayin aniya ng Palasyo ang ano mang payo ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung kinakailangang magkomento dahil hindi gugustuhin ng gobyerno na maapektuhan ang panlabas na relasyon ng Pilipinas.

“So, we will take our cue from the Department of Foreign Affairs if such a reaction is even warranted. Like I said on matters of international relations, reactions are studied. We don’t make knee-jerk reactions because they could adversely affect international relations,” dagdag ni Angeles. (Aileen Taliping)

The post PH ‘di padidikta sa China – Sec Trixie first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments